Idinagdag ang Zylox-Tonbridge sa FTSE Global Equity Index Series

HANGZHOU, China, Sept. 18, 2023 — Ang Zylox-Tonbridge (2190.HK, “ang Kompanya”) ay nagagalak na malaman na idinagdag ang stock ng Kompanya sa FTSE Global Equity Index Series (“GEIS”), kabilang ang FTSE Global Total-Cap Index (LMSĪ¼) at FTSE Global Micro Cap Index, ayon sa mga resulta ng semi-annual review ng FTSE GEIS. Ang mga pagbabagong ito ay opisyal na epektibo na.

Ang FTSE Russell ay isang global index leader na nagbibigay ng innovative benchmarking, analytics at data solutions para sa mga investor sa buong mundo. Ang pagdaragdag sa FTSE GEIS ay isa pang milestone para sa Zylox-Tonbridge matapos isama ang stock ng Kompanya sa MSCI China All Shares Small Cap Index nitong nakaraang taon.

Inaasahan na makakahakot ang Zylox-Tonbridge ng higit pang global capital allocations, lalo pang pahuhusayin ang liquidity ng stock ng Kompanya at dadami ang kanyang kasikatan sa global investment community matapos idagdag sa mga index na ginawa ng FTSE Russell at MSCI. Sa hinaharap, laging nakatuon ang Kompanya sa pagtatatag ng nangungunang vascular interventional medical device platform, pagkamit ng sustainable growth at paglikha ng value para sa mga investor.

Tungkol sa Zylox-Tonbridge:

Ang Zylox-Tonbridge ay isa sa mga nangungunang manlalaro sa neuro- at peripheral-vascular interventional medical device market sa China. Itinatag ang Kompanya noong 2012 at headquartered ito sa Hangzhou, China.

Bilang isang integrated medical device company na sinusuportahan ng aming in-house R&D at manufacturing capabilities, proprietary technological platforms, at commercialization capabilities, nagsusumikap kaming magbigay sa mga pasyente ng mga medical device at serbisyo na mataas ang kalidad at abot-kaya, upang lahat ay magkaroon ng access sa mataas na kalidad ng buhay na dala ng advanced medical technology.

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang aming opisyal na website: www.zyloxtb.com