Nona Biosciences pinapalawak ang Antibody Discovery Collaboration sa BeiGene
CAMBRIDGE, Mass., Sept. 14, 2023 — Nona Biosciences, isang ganap na pagmamay-ari ng subsidiary ng HBM Holdings Limited, na nakatuon sa pag-innovate ng cutting edge antibody technology at nagbibigay ng mga solusyon sa integrated antibody discovery at development mula sa “Idea to IND” (I to ITM), ay nag-anunsyo ng isang kasunduan sa BeiGene, Ltd. upang palawakin ang kanilang pagsisikap sa discovery collaboration na pumapakinabang sa proprietary na Harbour Mice® platform ni Nona.
Sa pamamagitan ng collaboration, bibigyan ng access si BeiGene sa proprietary na ganap na human transgenic mice platform na Harbour Mice® ni Nona Biosciences. Noong 2018, nakuha ng BeiGene ang mga karapatan na gamitin ang proprietary na Harbour Mice® H2L2 platform para sa maraming antibody programs. Ang pinalawak na collaboration sa pagitan ng Nona at BeiGene ay lalawak pa sa Harbour Mice® HCAb (heavy chain only antibody format) platform upang lalo pang pahusayin ang therapeutic antibody discovery efficiency at flexibility.
“Nagagalak kaming palawakin ang aming collaboration sa BeiGene sa antibody discovery. Pinapabilis ng aming platform ang innovative drug discovery para sa mga kumpanya ng biotechnology at pharmaceutical pati na rin ang academia sa loob ng mahigit isang dekada. Matagal nang partner ang BeiGene para sa amin, at ang pagpapalawak ng partnership ay sumasagisag sa natipong kaalaman at kadalubhasaan ng Nona sa drug discovery,” sabi ni Jingsong Wang, MD, PhD, Chairman ng Nona Biosciences.
Tungkol sa Nona Biosciences
Ang Nona Biosciences (isang ganap na pagmamay-ari ng subsidiary ng HBM Holdings, HKEX: 02142) ay isang global biotechnology company na nakatuon sa pag-innovate ng cutting edge technology, at nagbibigay ng kumpletong solusyon mula sa “Idea to IND” (“I to ITM“), mula sa pagbibalidate ng target at pagdi-discover ng antibody hanggang sa preclinical research. Ang integrated na mga serbisyo sa antibody at antibody-related discovery na may maraming modalities ay sumasaklaw mula sa paghahanda ng antigen, pagpapaimmunize ng hayop, pag-screen ng single B cell, hanggang sa paglikha at pag-engineer ng antibody lead, pagtatasa ng developability at pagsusuri ng pharmacological, na pumapakinabang sa mga advantage ng Harbour Mice® platforms at karanasan ng therapeutic antibody discovery team.
Lumilikha ang Harbour Mice® ng ganap na human monoclonal antibodies sa classical na dalawang magaang at dalawang mabibigat na chain (H2L2) format, at heavy chain only (HCAb) format. Pinagsasama ang Harbour Mice® at isang single B cell cloning platform, nakatutok ang Nona Biosciences sa paggawa ng mga imbensyon ng transformative next-generation drugs sa buong mundo. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: www.nonabio.com
Tungkol sa BeiGene
Ang BeiGene ay isang global biotechnology company na namumukod-tangi at nagde-develop ng mga innovative na paggamot sa kanser na mas abot-kaya at accessible sa mga pasyente ng kanser sa buong mundo. Sa isang malawak na portfolio, pinapabilis ng BeiGene ang development ng kanilang iba’t ibang pipeline ng mga novel therapeutics sa pamamagitan ng kanilang internal capabilities at collaborations. Nakatuon ang BeiGene sa radikal na pagpapabuti ng access sa mga gamot para sa mas maraming pasyente na nangangailangan nito. Patuloy na lumalaki ang global team ng BeiGene na may mahigit 10,000 kasamahan sa limang kontinente, na may mga tanggapan sa Basel, Beijing, at Cambridge, U.S. Upang matuto nang higit pa tungkol sa BeiGene, bisitahin ang www.beigene.com at sundan ang BeiGene sa LinkedIn at X (dating kilala bilang Twitter).